‘Cattleya Killer’ ni Arjo Atayde eeksena sa MIPCOM Cannes festival 2022; nangangamoy best actor na naman
SIGURADONG hahakot na naman ng best actor award ang actor-public servant na si Arjo Atayde sa bago niyang proyekto, ang suspense-thriller na “Cattleya Killer.”
Yes, kahit na nga super busy na ngayon si Arjo bilang 1st District Representative ng Quezon City, hindi pa rin niya tatalikuran ang pag-arte kung mabibigyan ng pagkakataon at sapat na panahon.
Natapos na ng batang kongresista ang shooting ng nasabing serye mula sa produksyon ng ABS-CBN at balitang magkakaroon nga ng world premiere sa MIPCOM Cannes 2022.
Kabilang ang “Cattleya Killer” sa Market Screening & Content Showcase ng MIPCOM Cannes 2022 ngayong taon.
Gaganapin ang special screening sa Oktubre 19, 10:45 a.m. sa Auditorium A Palais des Festivals, Cannes France na dadaluhan ng mga bigating producers, filmmakers at mga celebrities all over the world.
Sa mga hindi pa masyadong aware, ang “Cattleya Killer” ay ibinase sa hit 1996 movie na “Sa Aking Mga Kamay” na pinagbidahan nina Aga Muhlach, Christopher de Leon at Chinchin Gutierrez.
Unang ibinalita ni Arjo sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories ang tungkol sa bago niyang proyekto.
Aniya sa caption ng ipinost niyang poster ng “Cattleya Killer”, “Representing PH in mipcom Cannes festival for the first time. Man, I can’t even explain how grateful I am to be part of this.”
Ibinahagi rin ng kanyang fiancèe na si Maine Mendoza ang official poster ng serye pati ng ng kanyang inang si Sylvia Sanchez na super proud sa bago niyang bonggang project.

Comments
Post a Comment